About Us

Nagsimula ang NeuroMindsPH sa social media, kung saan nagbahagi kami ng totoo, relatable, at stigma-free na kaalaman tungkol sa ADHD at any Neurodivergent needs. Habang mas maraming tao ang naka-relate sa content namin, mas naging malinaw na hindi sapat ang awareness lang.

Dito nag-evolve ang NeuroMindsPH.

Ngayon, nakikipagtulungan na kami sa licensed psychologists at psychiatrists para matulungan ang mga tao na ma-assess, ma-intindihan ang sarili nila, at makatanggap ng tamang support. Ginawa ang platform namin para gawing mas accessible, mas ligtas, at mas neurodivergent-friendly ang mental health care sa Pilipinas.